Categories Album

Zack Tabudlo & Al James – Gusto Lyrics

Gusto Lyrics by Zack Tabudlo is a latest Filipino song sung by popular artists Zack Tabudlo & Al James. Lyrics of this song are written by Zack Tabudlo and music produced by Zack Tabudlo.

Gusto Song Details
Singer : Zack Tabudlo, Al James
Lyrics : Zack Tabudlo, Al James
Music : Zack Tabudlo

Gusto Lyrics

Ako’y natutulala, araw-araw nakikita
Hindi alam ako’y nakamasid
Hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin na lang ba sa’yo?
‘Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa
Kaso medyo nahihiya

Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na (Ooh)

Gusto lang kita makasama
Hanggang sa pagbaba ng araw
‘Pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi ‘pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa’yo
Ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, ‘wag nang pahirapan pa
Andito na

Totoo na nga ba ‘to?
Medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala
Simula palang nung una, andito na
Ang hirap din patagalin
Kasi maraming nakakapansin
Lahat nabibighani
Hindi ko naman masisi

Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na

Gusto lang kita makasama
Hanggang sa pagbaba ng araw
‘Pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi ‘pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa’yo
Ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, ‘wag nang pahirapan pa
Andito na

Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang
‘Pag malapit ka na bigla akong naduduwag
Mangangarap na lang ba
Na ikaw ang kasama?
Ayoko nang mag-isa
Al James, let’s go (Yeah, yeah, yeah)

Kabado pa nung una, plano makausap
Lakad pa kalmado pero parang nalulula
Daming nakausap, ‘kaw ang napusuan
Binibini, gagawan ng paraan makuha ka
Ikaw na nga ‘yon at walang iba
Okay lang ‘yan mundo man natin ay magkaiba
Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga
Sabay sasalubungin ang umaga nang nakahiga
Sa t’wing kasama ka para ‘kong lumulutang (Wow)
Kung ga’no kasaya, ‘yun ang ‘di ko masukat (No)
Lakas ng amat, ‘di kaya ko ginayuma (Let’s go)
Hanggang ngayon kapit pa rin sa aking halimuyak niya
Gumagaan lahat ng pabigat (Gumagaan lahat)
Patuloy lang tayo sa pagliyab
(Patuloy lang tayo)
Kung lahat ‘to panaginip lang
Paggising ko, pangako ‘yan, agad ko sasabihin na

Gusto lang kita makasama (Yah)
Hanggang sa pagbaba ng araw
‘Pag tayo na lang dalawa (Yeah, yeah)
Hindi lang masabi ‘pag may iba
(‘Di lang masabi)
Gusto lang naman na aminin sa’yo (Oh)
Ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba (Wala nang iba)
‘Wag nang pahirapan pa
Andito na (Andito na)

Yeah, yeah, yeah, yeah (Yeah-eh)
Yeah, hey, yeah (Yeah)

Gusto Music Video